371

Dec 25, 2017 @ 16:58
By

Non-taxpayers may benepisyo rin sa TRAIN law – DOF

Inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na maging ang mga hindi nagbabayad ng buwis ay may mga benepisyo rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN).

Binanggit nito na dahil sa unang pakete ng Comprehensive Tax Reform Program, ang mga walang trabaho ay posibleng may pagkakitaan na at mga infrastructure projects na magpapaba sa halaga ng mga produkto at gaganda ang mga serbisyo.

Paliwanag pa nito ang mga hindi nagbabayad ng buwis ay mabibiyayaan din ng mas malaking pondo para sa edukasyon at kalusugan.

Nabatid na hanggang 30 porsiyento ng kikitain sa TRAIN ay makakatulong sa cash transfer program ng gobyerno sa 10 milyong pamilya.

Noong nakaraang Disyembre 19 pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TRAIN para ito ay maging Republic Act 10963.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?