307

Dec 21, 2017 @ 14:19
By

Non-showbiz BF, ‘di paglalaruan si Jasmine Curtis-Smith

Itinanggi ni Jasmine Curtis-Smith na nagpatalbugan sila ni Erich Gonzales sa pagpapaseksi in a bikini, sa mga beach scenes nilang dalawa.

Sabi ni Jasmine, walang concious-effort sa kanila ni Erich ang magpakita ng kanilang alindog sa pelikula.

Bagama’t sanay nang magbikini si Jasmine dahil laking Australia siya, may limitasyon pa rin siya sa pagpapa-sexy at kung ano lang ang dapat niyang gawin sa bawat project gaya na lamang sa ‘Siargao’.

Wala rin daw inggitan sa kanilang kaseksihan sina Jasmine at Erich.

Sey pa ni Jasmine, pareho silang nagko-compliment sa body frame ng bawat isa.

Ayon pa kay Jasmine, gusto ni Erich ang pagkapayat niya at gusto naman ng una ang sexiness ng huli.

Samantala, kahit umuusok sa social media ang sweet exchanges ng mga love messages nina Jasmine at ng non-showbiz boyfriend niyang si Jeff Ortega, wala pa raw planong pakasal ang dalawa.

Paglilinaw naman ni Jasmine, serious naman sila sa isa’t isa dahil nang maging sila raw ni Jeff, sinabi nitong hindi siya mahilig sa playtime.

Nangako naman si Jeff na hindi niya paglalaruan ang puso ni Jasmine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?