134

Aug 5, 2021 @ 11:05
By

Non-APOR pwede na maghatid, sundo sa ECQ

Pinayagan na ng Philippine National Police (PNP) ang mga non-authorized person outside residence (APOR) na maghatid-sundo sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

“Ngayon ay ia-allow na itong mga non-APOR na magmaneho, hatid sundo sa hindi lang sa health workers kundi sa iba pa na worker APOR natin,” wika ni PNP Chief Guillermo Eleazar sa panayam ng Super Radyo DZBB.

Anang opisyal, kailangan lang magpresenta ng mga non-APOR drivers ng dokumento na naglalaman ng impormasyon ng kanilang identidad na siyang dapat i-isyu ng kanilang employer.

Nito lamang Miyerkoles nang inirekomenda ni Eleazar na magpahatid at sundo na lamang ang mga APOR sa iba pang mga APOR para hindi umano maabuso ng mga non-essential worker ang paglabas ng bahay sa ilalim ng ECQ. (VA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/non-apor-bawal-maghatid-sundo-sa-apor-pnp/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?