138

Aug 4, 2021 @ 19:33
By

Non-APOR bawal maghatid, sundo sa APOR – PNP

Pagbabawalan ang mga hindi authorized persons outside of residence (APOR) na magsundo o maghatid ng mga manggagawa o mamimiling APOR sa kasagsagan ng ECQ sa Metro Manila, ayon kay PNP Chief Guillermo Eleazar.

“Hindi puwedeng maghatid ang non-APOR sa workforce APOR or even sa consumer APOR,” pahayag ni Eleazar sa isang video message nitong Miyerkoles.

Ayon sa PNP chief, ito ay dahil maaaring maabuso ng publiko kung papayagang maghatid o magsundo ng mga essential worker ang mga hindi APOR.

Bukod dito, hindi rin daw makakasigurado kung ang mga non-APOR ay maghahatid o magsusundo talaga, sakaling payagan silang bumiyahe.

Bilang solusyon, hinimok ni Eleazar ang mga essential worker o mga APOR na magpahatid lamang sa iba pang mga APOR, o gumamit ng pampublikong transportasyon.

Ang naturang panuntunan ay iiral mula Agosto 6 hanggang Agosto 20, o habang ECQ sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?