31

By

Nominasyon sa pagka-Ombudsman, hindi kinagat ni Justice De Castro

Sharing is caring!

Tinanggihan ni Supreme Court Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro ang kanyang nominasyon para sa posisyon ng Ombudsman.

Sa kanyang liham kay Acting Justice at Acting Judicial and Bar Council Chairman Antonio Carpio, hindi tinanggap ni De Castro ang pag-endorso sa kanya ng dating kapwa mahistrado na si retired Justice Arturo Brion.

Nagpasalamat naman si De Castro sa pag-endorso sa kanya ni Brion pero patuloy umano siyang magsisilbi bilang mahistrado ng Korte Suprema hanggang sa kanyang pagreretiro.

Si De Castro ay sasapit na sa mandatory age retirement sa Korte Suprema na 70 sa darating na Oktubre.

Nagtapos na ngayong araw ang pagsusumite ng aplikasyon para sa posisyong babakantehin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Si Morales ay magreretiro na sa Hulyo 28, 2018 na siyang pagtatapos ng kanyang pitong taong termino sa puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?