8

Sep 16, 2020 @ 18:02
By

Nominasyon ng AFP Intel Service chief lusot na sa CA

Kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ng intelligence service head ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bago ito, sumalang sa deliberasyon sa CA Committee on National Defense si Brig. Gen. Jose Eriel Niembra para sa ranggong Major General.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Niembra bilang chief ng Intelligence Service of Armed Forces of the Philippines (ISAFP) noong Hunyo ng taong ito.

Si Niembra ay dating PSG commander mula May 2018 hanggang February 2020.

Siya ay naging Brigade Commander ng 701st Infantry Brigade, 7th Infantry Division, Philippine Army sa Mati, Davao Oriental.

Bukod kay Niembra, kinumpirma din ng CA ang ad interim appointment ng iba pang mga opisyal ng AFP.

Kabilang dito sina Ulpiano Olarte to the rank of Colonel, Philippine Army; Elpidio Natividad Jr. to the rank of Captain, Philippine Navy;, Gem Eulogio Escobido to the rank of Colonel, Philippine Navy-Marines; Angelo Gerald Ariles to the rank of Colonel, Philippine Navy-Marines; Rey Leo Pambid to the rank of Captain, Philippine Navy; Sherwin Respeto to the rank of Captain, Philippine Navy at John Barrameda to the rank of Captain, Philippine Navy.

Ang iba pa ay sina Oliver Reforba to the rank of Captain, Philippine Navy; Ma. Dolores Lim to the rank of Colonel, Nurse Corps; Pura Lyn Epres to the rank of Colonel, Medical Corps; Noel Baluyan to the rank of Brigadier General; Audrey Pasia to the rank of Brigadier General; Nolasco Mempin to the rank of Brigadier General at Alex Rillera to the rank of Brigadier General.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?