83

Aug 20, 2020 @ 20:40

Noli de Castro pinag-iisipan na raw magretiro

Kinokonsidera na raw ni Kabayan Noli de Castro na magretiro kasunod ng ABS-CBN shutdown.

Kuwento ng DZMM anchor na si Ambet Nabus sa kanyang YouTube channel, sa kabila ito ng mga tsismis na may offer kay De Castro sa TV5 pati na kay Ted Failon.

Ayon pa sa tsika ni Nabus, baka hanggang katapusan na lang ng August 2020 magiging news anchor sa Kapamilya network si De Castro.

May ilan daw kaibigan si De Castro na napagsabihan niyang, ano kaya kung magretiro na siya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?