76
KARLO NOGRALES
Mar 19, 2020 @ 18:38
By

Nograles sa hirit ni Sotto na payagan ang tricycle: Paano ang social distancing?

Tila sinopla ng taga-Malacañang partikular na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagkakaintindi ni Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa pagpapahintulot niya na makapagbiyahe ang mga tricycle sa kabila ng ipinatutupad na community quarantine.

Una nang nanindigan ang ahensya na hindi papayagan ang mga tricycle sa kalsada ngunit pinayagan ni Sotto ang mga ito for emergency purposes lamang katulad ng pagpapasakay sa mga health worker at mga pasahero na kailangang dalhin sa mga ospital.

“Concerned talaga ang gobyerno dito sa paggamit ng tricycle dahil hindi namin lubos na makita or maintindihan paano mag-social distancing sa tricycle,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Iginiit nito na pwedeng gamitin ng lokal na pamahalaan ang ibang sasakyan na pagmamay-ari ng gobyerno o hiniram sa residente para makapagsakay ng mga frontline worker.

“May jeep ka or may multicab ka or four-wheel vehicle, either sa’yo or makihiram ka sa constituents mo or something. ‘Yong ibang LGUs naman nagko-comply,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, sinuguro ni Sotto na WALA nang tricycle na makikitang papasada sa Pasig sa kasagsagan ng lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?