By

Nograles: Pondo ng CHED, napunta sa paglamiyerda ni Licuanan

Sharing is caring!

Hinahanap ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles kay Commission on Higher Education (CHED) Chair Patricia Licuanan ang pondo ng ahensiya.

Ito’y sa gitna nang patuloy na delay sa pagbibigay ng living allowances para sa faculty scholars sa ilalim ng K to 12 Transition Program gayundin ang pambayad ng kanilang matrikula.

Binigyang-diin ni Nograles na pinaglaanan ng pondo ang CHED para sa nasabing mga programa kaya nakapagtatakang hindi ito natatanggap ng mga benepisyaryo.

“The funds for our Transition scholars have been allotted to CHED. Where did the money go? Napunta ba sa paglalamiyerda ni Chair Licuanan?” pahayag ni Nograles.

“According to complaints relayed to my office, CHED has only paid the tuition fee of their scholars on the first semester of 2016 and nothing after that. Again, the question is: where did the money go? These funds have been allotted to CHED so why can’t Chair Licuanan release the funds?” dagdag ng kongresista.

Iginiit ni Nograles na dapat maimbestigahan at matigil ang ganitong kalakaran sa CHED lalo na ngayong may bagong batas na magbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa lahat nang state colleges and universities (SUCs) at mga paaralang pinatatakbo ng TESDA sa buong bansa.

“Congress barely managed to raise the needed funds for our free college education law. Every single centavo of this fund should be used judiciously,” ani Nograles. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?