546

Jan 3, 2022 @ 16:14
By

Nograles: ‘Poblacion Girl’ posibleng makulong

Posibleng dumiretso sa kulungan si Gwyneth Anne Chua kapag napatunayang guilty sa paglabag sa quarantine protocols at panunuhol umano sa hotel staff para makalabas ito sa halip na mag-quarantine.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, sa ilalim ng Notifiable Disease Law, hindi lamang multa ang nakapaloob na parusa sa mga mapapatunayang lumabag sa batas kundi may kulong din ito.

Pero sinabi ni Nograles na bahala na ang prosekusyon kung ano ang magiging disposisyon nila sa sandaling makarating sa korte ang reklamo laban kay Chua na binansagang “Poblacion Girl”.

“Well, sa Notifiable Diseases Law, it’s not just a penalty; may imprisonment din ito. Ayaw kong pangunahan ano ang gagawin ng prosecutor dito. But we do know that we have a notifiable diseases law. But I don’t know, depende sa prosecutor, if there are other violations also na puwedeng i-file against the lady and establishment over and above,” ani Nograles.

Hahayaan aniya ng Palasyo na ipagpatuloy ng mga otoridad ang pagkalap ng ebidensiya laban kay Poblacion girl at sa mga personnel ng hotel na kumunsinti sa kanya para makalabas at magkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Nograles na nakasalalay sa magiging resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kung gaano kabigat ang nagawang paglabag ni Chua sa quarantine protocols.

“I’m not saying this will be the only …I’m not saying this will be only case filed ‘no because it really depends on the investigation ng police, ng CIDG, and the prosecutor ultimately, what the prosecutor will file in court,” dagdag ni Nograles.

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?