22

Apr 18, 2020 @ 10:56
By

Nograles: Mag-ingat sa pagbili ng rapid test kits

Pinayuhan ni IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang publiko particular na ang local government units (LUGs) na maging maingat sa pagbili o paggamit ng rapid test kits.

Sa virtual presser kaugnay ng COVID-19 ay muling pinaalalahan ng cabinet secretary na maging mapanuri sa anumang gagamitin bilang pakontra sa kumakalat na virus gaya ng test kits.

“Ang payo lang po namin sa mga LGU na bibili ng rapid test kits – ang bilhin niyo ay yung mga in-accredit na ng FDA,”paalala nito.

Aniya pa’y nakasuot dapat ng PPE ang mga doktor na magsasagawa ng pagsusuri.

Base na rin sa mga naunang ulat, bilang safety precaution, ang rapid test kits ay dapat sumunod sa FDA requirements kabilang ang paglalagay ng label na nagsasaad na “This product is strictly for medical professional use only and not intended for personal use. The administration of the test and interpretation of results should be done by a trained health professional. Confirmatory testing is required.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?