104

Apr 15, 2020 @ 12:08
By

Nograles: Kailangan nating magsakripisyo

Muling nakiusap si IATF Sec. Karlo Nograles na sundin ang mga restriksyon sa COVID-19 gaya ng stay home at social distancing upang mapigil na ang pagkalat ng sakit.

Ayon kay Nograles, konting pakikisama lang at sakripisyo ang kinakailangan para masolusyunan ang krisis sa kalusugan.

“We must make the necessary sacrifices to overcome the greatest public health crisis of our lifetime,” ani Nograles sa IATF Virtual Presser.

“Hindi natin puwede isakripisyo ang kaligtasan at buhay ng bawat isang Pilipino dahil lamang may mga pasaway diyan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?