90

Nov 5, 2018 @ 15:07
By

Nograles bilang Cabinet secretary aprub sa mga kapwa kongresista

Kumpiyansa si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa kakayahan ni Davao City Rep. Karlo Nograles na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Cabinet secretary.

“My congratulations to the new Cabinet Secretary, Karlo Nograles. I am sure he will do very well in his new position, and that he will be a valuable member of the President’s team. I wish him all the best!” ani Speaker GMA.

Pinasalamatan naman ni Nograles si Pangulong Duterte sa pagkakataong ibinigay sa kanya para magsilbi sa gabinete.

Nangako ito na isusulong ang development agenda ng administrasyon.

“I thank President Duterte for welcoming me to his Cabinet. As a fellow Mindanaoan and kapwa probinsyano, I hope to contribute to government efforts to bring development to the regions through different programs that place an emphasis on providing more economic opportunities outside Metro Manila,” sabi ni Nograles.

Tiwala rin ang iba pang kongresista na magagampanan nang maayos ni Nograles ang kanyang posisyon.

Para kina Negros Occidental Rep. Albee Benitez, Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Isabela Rep. Rodito Albano, magiging ‘asset’ ng administrasyong Duterte si Nograles

“It’s a challenging position. But Rep. Karlo Nograles is young and talented and can easily overcome those obstacles,” ayon kay Benitez.

“We welcome his appointment. He will be an asset to the Duterte administration,” pahayag naman nina Evardone at Albano.

Sinegundahan ito ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles na nagsabing mapapakinabangan ng Presidente ang mahabang karanasan ng kanyang kapatid sa serbisyo-publiko.

“Nagpapasalamat ang pamilyang Nograles sa tiwala at kumpiyansa ng Presidente sa aking Kapatid, Karlo Nograles. This is a great honor, and even greater responsibility to help the Administration of President Duterte succeed in the endeavors to deliver no nonsense service to the people. The experience of Karlo, a three-term congressman, chairman of [the House committee on] labor, and chairman of [the House committee on appropriations], will be of great use for the President,” sabi ng nakababatang Nograles.

Bilang Cabinet Secretary, pamumunuan ni Nograles ang Cabinet Secretariat, na tutulong sa Pangulo sa paglalatag ng agenda topics para sa Cabinet deliberation at mangangasiwa ng talakayan sa Cabinet meetings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?