295

Aug 5, 2018 @ 12:58
By

Noel Comia Jr., thankful sa pelikulang Kiko Boksingero

Ipinagpapasalamat ng child actor na si Noel Comia Jr. ang nagawa sa kanyang showbiz career ng pelikulang Kiko Boksingero, na isa sa entry last year sa Cinemalaya. Bukod sa natanggap na award at papuri, nagbukas ng pinto ito kay Noel para mas dumami pa ang kanyang mga project.

Pahayag niya, “After ng Kiko Boksingero po na nanalo ako ng Best Actor, marami pong opportunity na nag-open up. Na-invite ako sa teleseryeng The Good Son ng ABS CBN. Tapos marami pa po, like sa MMK at iba pa pong opportunities.

“Pero iyong pinaka ano po, latest ko ay yung Your Face Sounds Familiar Kids po, every Saturday and Sunday po iyan.”

Saad pa ni Noel, “Ang central message po ng film ay… kahit hindi mo po sila kadugo, you can still consider them as your family.

“So far po, ito yung biggest break ko po talaga. Kasi, before Kiko Boksingero ay sa theater po talaga ako. Nagkaka-film na rin po ako, pero not as big as Kiko Boksingero.”

Nagbalik-tanaw pa si Noel sa naging experience niya sa Cinemalaya last year.

“Noong nag-Cinemalaya kami, iyong movie namin sa lahat ng movies na ipinapalabas nang time na iyon, lahat sila ay maingay, pero kami po ay parang chill-chill lang.

“Kaya medyo na-overwhelm po kami dahil marami pa rin ang nanood ng film namin at na-entertain, marami pong good reviews. Napakasaya po, kasi, iyong thrill po na kung ano ang magiging expecatations ng mga tao, kung ano ang thoughts nila about the film, parang iyon ang nakaka-miss sa Cinemalaya,” aniya pa ukol sa pelikulang pinamahalaan ni Thop Nazareno at tinampukan din nina Yul Servo at Yayo Aguila.

Ang Kiko Boksingero ay muling mapapanood bilang bahagi ng anim na pelikulang pasok sa Special Features section ng PPP 2018. Ang lima pang kasama nito ay ang:

Balangiga: Howling Wilderness ni Khavn Nicolas de la Cruz, High Tide by Tara Illenberger na pinagbidahan ni Arthur Solinap,Gusto Kita with All My Hypothalamus by Dwein Baltazar, Paki ni Giancarlo Abrahan na pinagbidahan nina Dexter Doria, Shamaine Buencamino at Eula Valdez, at, Tu Pug Imatuy (The Right to Kill).

Ang PPP ay magaganap mula August 15 at magtatapos sa August 21. Ipalalabas ito sa SM North Edsa, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Manila, SM Fairview, SM Sta. Mesa, Gateway Cineplex, at Robinsons Galleria.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?