205

Oct 19, 2017 @ 17:04

Noche Buena products, bantay-sarado na ng DTI

Hinihikayat ni Trade Secretary Ramon Lopez ang publiko na bilhin ang mga ‘Noche Buena products’ na may mga promo matapos mapaulat ang paggalaw sa presyo ng ilang produkto na karaniwang binibili tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Aniya, ang pagbibigay-diskuwento at bundle promo offer ng mga manufacturer ay patunay na masigla ang kompetisyon sa merkado.

“Mayroong sapat na suplay at matatag ang presyo ng mga bilihin sa merkado dahil na rin sa kompetisyon ng iba’t ibang brands na mapagpipilian ng mga mamimili,” sabi ni Lopez.

Dagdag pa ni Lopez, nakikipag-ugnayan sila sa mga negosyante para bantayan ang galaw ng presyo at suplay ng mga produktong pang-noche buena ngayon panahon na ng pagtaas ng demand sa mga Christmas goods.

Kinumpirma rin ng DTI na walang pagtaas ng presyo sa mga produktong pang-noche buena tulad ng pasta, sauces, cheese, ham at canned tuna hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?