303

Dec 10, 2017 @ 16:03
By

Noche buena goods, mas mataas ngayong taon – DTI

Habang papalapit ang araw ng Pasko, lalo pang tumataas na ang presyo ng ilang karaniwang handa sa ‘Noche Buena’ partikular ang ham at keso de bola.

Kasabay nito, inamin ni Trade Usec. Teodoro Pascua na mas mataas ang presyo ng mga ‘Noche Buena goods’ ngayon kumpara noong nakaraang taon.

Ngunit pagtitiyak nito patuloy ang pagsasagawa nila ng price monitoring para matiyak na nasusunod ang suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing bilihin.

Partikular na napansin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng ilang brand ng hamon nitong mga nakalipas na araw.

Bukod sa mga hamon ay nagiging mabili na rin ang mga keso de bola.

Noong nakaraang linggo, pinayuhan ni Pascua ang mga konsyumer na mamili ng maaga ngayon Kapaskuhan dahil may mga nagsasamantala at nagtaaas ng presyo ng ilang bilihin, pati na sa isyu sa suplay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?