46

Jan 15, 2020 @ 11:53
By

Noah Centineo, Lana Condor bibisita sa ‘Pinas

Chance mo nang makasama ang “To All The Boys” stars na sina Lana Condor at Noah Centineo ngayong Pebrero!

https://www.facebook.com/netflixph/posts/1068587313492534

Inanunsiyo ng Netflix PH na magkakaroon sila ng fan meet sa Activity Center 2 ng Glorietta Ayala Center sa Makati, simula 5 pm ng Pebrero 15, 2020.

First come, first served ito kaya pumunta na nang maaga!

Ipalalabas ang “To All The Boys: P.S. I Still Love You,” sequel ng “To All The Boys I’ve Loved Before” sa Netflix sa susunod ding buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?