44

Jun 13, 2020 @ 16:59

‘No work, no pay’ sa showbiz taga-deliver ni Dingdong

Dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic, nag-isip ng paraan si Dingdong Dantes para makatulong sa mga kasamahan sa industriya na ‘no work no pay’.

Sa isang online conference, inanunsyo ng Kapuso actor ang bagong application na DingDong PH, kung saan isang delivery service app at ang kanyang mga kukuning rider ay mga displaced worker sa entertainment industry.

Nagsimula umano ang ideya ni Dong dahil sa kanyang asawa na si Marian Rivera, na may sarili ring negosyo tungkol naman sa bulaklak.

“One time, meron siyang isang kliyente na kailangan niyang pag-deliveran ng bulaklak. Pagdating doon, nagkamali ng pinto, tapos nasira pa. So last minute I had to help,” ayon kay Dingdong matapos niyang ihatid ng personal ang mga bulaklak.

“Doon nagsimula ‘yung idea, at lumawak na lang siya. In the past weeks, after talking with friends who share the same vision and passion, an idea was developed, hence the birth of Doorbell Technologies,” aniya pa.

Pinasilip na ni Marian ang logo ng bagong negosyo ni Dingdong sa kanyang Instagram account. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?