121

Jan 12, 2022 @ 11:08
By

‘No vax, no ride’ ipatutupad sa Metro Manila

Nakatakdang ipatupad ang “no vaccination, no ride” policy para sa pampublikong transportasyon sa Metro Manila, ayon sa Department of Transportation.

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade, naglabas siya ng department order na nagbabawal sa mga hindi bakunadong indibidwal na sumakay ng mga pampublikong transportasyon habang ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 3.

“All concerned attached agencies and sectoral offices of DOTr are directed to ensure that operators of public transportation shall allow access or issue tickets only to ‘fully vaccinated persons’ as evidenced by a physical or digital copies of an LGU-issued vaccine card, or any IATF-prescribed document, with a valid government issued ID with picture and address,” pahayag ng DOTr.

Dagdag ni Tugade magkakaroon ng bisa ang nasabing department order sa lalong madaling panahon.

Samantala, mananatiling nasa Alert Level 3 ang National Capital Region hanggang Enero 15. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?