80

Jan 15, 2022 @ 15:20
By

‘No vax, no ride’ anti-poor – De Lima

Kontra si Senadora Leila de Lima sa direktiba ng pamahalaan na ‘no vax, no ride,’ o ang pagbabawal sa mga hindi bakunado na gumamit pampublikong transportasyon.

Sa kanyang Twitter post ngayong Sabado, sinabi ni de Lima na anti-poor ang naturang kautusan dahil walang ibang paraan ang mga mahihirap na maka-biyahe kundi sa pamamagitan lamang ng pampublikong transportasyon.

“Of course, the ‘No vax, no ride’ directive is anti-poor. How else would the poor travel except via public transport?” saad ng mambabatas.

Kaya panawagan ni de Lima sa Department of Transportation (DOTr), huwag na silang paniwalain na walang diskriminasyon sa naturang kautusan.

“So, spare us, DoTr, from your strained argumentation that there’s nothing discriminatory or objectionable about this policy,” saad pa niya sa naturang post.

Sa kabila nito, desidido ang Palasyo na ipatupad ang ‘no vax, no ride’ simula Lunes, Enero 17. (MJD)


‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?