14

May 5, 2021 @ 14:53
By

‘No vaccine, no visa’ binawi ng Hong Kong, Palasyo nalugod

Ikinatuwa ng Malacañang ang pagbawi ng gobyerno ng HongKong sa ‘no vaccine, no visa policy’ para sa lahat ng overseas Filipino worker.

Gayunman, sa halip na bakuna ay mandatory swab test ang direktiba ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam para sa lahat ng mga Pilipino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na welcome sa Palasyo ang desisyon ni Lam at suportado nila ang direktiba na mandatory testing para sa lahat ng mga Pilipinong nasa Hong Kong.

“We appreciate the gesture of Madam Lang and of course we welcome also the mandatory testing,” ani Roque.

Sa katunayan anang kalihim ay pinalalakas ang COVID testing sa bansa dahil na rin sa pagdami ng variant kaya mahalagang mapaigting ang pagtukoy sa mga tinamaan ng mabagsik na virus.

“We are also ramping up our own testing here in the Philippines because talaga namang kapag hindi ko tinest hindi mo alam kung nasaan ang ating kalaban,” dagdag ni Roque.

Nauna rito inalmahan ng Malacañang at Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing polisiya ng Hong Kong para sa lahat ng Pilipino at iginiit na dapat ipatupad din ito sa lahat ng foreign national sa nabanggit na bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?