82

Nov 7, 2021 @ 15:38
By

‘No vac, no subsidy’ ng DILG, hindi makatao – Drilon

Mariing tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang “no vax, no subsidy” para sa 4.4 milyong benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Sabi ni Drilon, ang panukalang ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay hindi katanggap-tanggap, hindi makatao at walang kabuluhan.

“It pains me to see a government that has shown nothing but a total callous disregard for the vulnerable sector of our society. It is yet another display of the government’s callousness,” sabi ni Drilon.

“It only shows that the DILG is detached from reality and unaware of the real plight of the poor,” dagdag nito.

Ayon kay Drilon, dapat bawiin ng DILG ang kanilang panukala kasabay ng panawagan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang lead agency ng programa, na protektahan ang kapakanan ng mga benepisyaryo ng 4Ps.

“Let DSWD handle 4Ps. I call on the DSWD to defend the 4Ps beneficiaries against the ‘iron fist’ of DILG,” ani Drilon.

Sabi ni Drilon, ang pagbabakuna ay hindi bahagi ng kondisyon na dapat sundin ng mga benepisyaryo bago makatanggap ng tulong.

“It is contrary to the 4Ps law to withhold benefits or expel members who are not vaccinated. The DILG cannot just do that. That will be inhuman and totally insensitive,” ani Drilon.

“We cannot assume that they are not vaccinated because they refused vaccines. They are not vaccinated because they have limited access to vaccines especially in the countryside or the roll out remains slow or the vaccines available are not what the people prefer,” saad nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?