243

Jan 21, 2020 @ 14:49
By

‘No to JaDine, yes to Nadine!’

Top 1 trending si Nadine Lustre sa Twitter PH at Top 12 siya worldwide ngayong Martes.

Bumuhos kasi ang suporta at paghanga sa aktres gayong kumalat ang umano’y pangangaliwa ng dati nitong boyfriend na si James Reid with artist Issa Pressman.

Sa kanilang joint statement kagabi, Enero 20, 2020, sa “Tonight with Boy Abunda,” sinabi nina Nadine at James na kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth habang bata pa sila.

Gayunman, mas pinaniwalaan ng maraming netizen ang video ng umano’y pangangaliwa ni James sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.

Sabi ng marami, wala na silang bilib sa tambalang “JaDine” ngunit tumindi ang pagsuporta nila kay “Queen” at “President Nadine.”

Wika pa ng iba, hindi deserve ng aktres na pagtaksilan. Napakatatag umano ni Nadine dahil bukod sa break-up, hinaharap din nito ang pagkamatay ng kanyang brother at pagkakaroon ng sakit na cancer ng kanyang nanay.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?