24
views
UPHA
By

‘No show’ ang Altas, Cardinals wagi

Sharing is caring!

Hindi na naglabas ng pawis ang Mapua Cardinals at kinubra ang ikaapat na panalo sa sindaming salang ng 2018 Filoil Flying V Preseason Cup kanina (Mayo 22) sa The Arena sa San Juan nang hindi dumating sa venue ang University of Perpetual Help Altas.

Panalo via forfeiture ang Cardinals para sa 4-0 panalo-talo marka at makisalo sa tuktok ng Group A kasama ang 4-0 ring Ateneo De Manila Eagles at DLSU Green Archers.

Habang ang Altas naman ay otomakikong eliminated na sa Preseason Cup na may 0-5 standing.

Wala pang balita sa UPH-Altas sa dahilan nitong hindi pagsipot sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?