68

Oct 18, 2017 @ 16:11

“No sail zone” iapatupad sa ASEAN Summit

Muling magpapatupad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng “no sail zone” sa mga lugar na pagdarausan ng 31st Associatiin of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre.
Ito ay bilang pagtiyak pa rin sa seguridad ng mga dadalo sa pagtitipon na lalahukan ng mga head of states ng mga kasaping bansa ng ASEAN at ng mga partner countries kabilang na si US President Donald Trump.
Pero ayon sa PCG, mas malawak na “no sail zone” ang ipatutupad kaysa sa noong summit nitong Abril dahil magiging sentro ng mga pagpupulong mula November 10 hanggang 14 ang Clark, Pampanga.
May mga aktibidad din na gagawin sa CCP Complex, at marami ring mga delegado na tutuloy sa mga hotel sa Pasay at Maynila.
Sa idinaos na ASEAN Summit noong Abril, ang “no sail zone” ay ipinairal sa Manila Bay partikular na ang bahagi nito na malapit sa Mall of Asia Complex hanggang sa Manila South Harbor. (Maricel Diaz)
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?