86
No hurt feelings! Padda pasalamat
Mar 7, 2019 @ 17:13
By ,

No hurt feelings! Padda pasalamat

Matapos matanggal bilang head coach ng Lady Falcons, nagpasalamat si Air Padda sa buong Adamson community sa maiksi pero makabuluhan niyang coaching stint sa koponan.

Matatandaang sinibak si Padda bilang head coach ng Adamson matapos ang 0-3 na simula ng Lady Falcons sa UAAP women’s volleyball Season 81 at pinalitan siya ni Onyok Getigan.

Sa Instagram, nagpasalamat si Padda sa pagkakataong ibinigay sa kanya para pangunahan ang Lady Falcons at hindi niya ito makakalimutan.

“Maraming Salamat to the entire Adamson community for your undying support! I’m honored to represent the school, alumni and fans these past two years,” bahagi ng pahayag ni Padda.

Nagpasalamat din ang tubong California sa lahat ng sponsor na nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang coach at dahil dito ay marami aniyang nagbago sa kanyang pagkatao.

“I will forever cherish every single moment I had as your head coach. It’s been a privilege coaching you guys these past two years,” dagdag nito.

“Sobrang proud of you. I wish you nothing but the best and will be cheering you on from afar!”

Sa unang taon ni Padda ay tumapos ang tropa niya ng 1-13 na win-loss record habang noong nakaraang taon naman ay tinala nito ang 6-8 at tumapos sila ng fifth place.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?