7
paxton
By

No hitter ni Paxton, nagmarka

Sharing is caring!

Inilista ni James Paxton ang pangalan bilang first Canadian na bumato ng no-hitter sa kanyang home country nang giyahan ang Seattle Mariners sa 5-0 panalo kontra Toronto Blue Jays Martes ng gabi.

Hindi sa Canadian team naglalaro si Paxton, pero mainit pa rin siyang tinanggap ng 20,000 Canadian crowd.

Itinuro ni Paxton, nicknamed Big Maple, ang malaking maple leaf na naka-tattoo sa kanang braso bilang pagtanggap sa cheers.

“You couldn’t write this stuff,lahad niya pagkatapos. Pretty amazing to have it happen against the Blue Jays, at home in Canada.”

Binigyan pa ng standing ovation ang 29-anyos na kaliweteng mula British Columbia.

Si Dick Fowler ng 1945 Philadelphia Athletics ang tanging Canadian na bumato rin ng no-hitter.

Kinumpleto ni Paxton ang pangatlong no-hitter sa MLB ngayong taon si Sean Manaca ng Oakland kontra Boston noong April 21 sa California, at noong Biyernes sa Mexico ay apat na Los Angeles Dodgers ang nagsabwatan para bokyain sa hit ang San Diego.

Naka-strike out ng pito si Paxton, tatlo ang binigyang ng walk, bumato ng 99 pitches, at humugot ng suporta sa outstanding play ni third baseman Kyle Seager.May two outs sa seventh, nag-dive si Seager para habulin and grounder ni Kevin Pillar sa line bago papilipit na ibinato kay first baseman Ryon Healy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?