100

Jan 3, 2018 @ 15:58

No-el scenario sa 2019, posible – Alvarez

May posibilidad umano na umiral ang no-election (no-el) scenario sa 2019 kung matutuloy ang panukalang pagpapalit sa porma ng gobyerno sa pamamagitan ng federalismo ngayong taong ito.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, magtitipon ang Kongreso ngayong Enero para talakayin ang panukala at isumite ang isyu sa publiko sa pamamagitan ng isang referendum sa Mayo kasabay na planong barangay elections.

Paniwala ni Alvarez, dapat pagbotohan ng jointly Kongreso ang panukalang pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Nang tanungin kung posibleng hindi magkaroon ng halalan sa 2019, sinabi ni Alvarez na posibleng umano itong mangyari.

“I have to be frank…Anything is possible,” pahayag ni Alvarez sa Headstart ng ABS-CBN News.

Kung sumang-ayon ang publiko sa pamamagitan ng referendum ang panukalang pagpalit ng gobyernosa federalismo, sinabi ni Alvarez na lahat ng kasalukuyang senador ay maaring magtapos ang termino sa 2022.

Sakaling mabuwag naman ang Senado sa ilalim ng federalismo, maaring naman umanong tumakbo sa ibang posisyon sa gobyerno ang mga senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?