25

Dec 18, 2017 @ 17:03
By

No-el scenario, posible sa ilalim ng martial law – Villarin

Nagbabala si Akbayan partylist Rep. Tom Villarin sa posibilidad ng pagkakaroon ng No-Election o No-El scenario sa 2018.

Ayon kay Villarin, madali nang isangkalan ng Commission on Elections (Comelec) ang martial law extension sa Mindanao para hindi na naman matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.

“This will lead to a NO-ELECTION scenario as Comelec will invoke ML as a basis for postponement,” sabi ng kongresista.

Nagbabala si Villarin na kung mangyayari ito ay magiging kritikal ang demokrasya ng bansa.

Ito’y dahil nabibigyan na ng bagong pakahulugan ang martial law kahit pa hindi nakasaad sa batas.

Dahil dito’y hindi na rin anya malayong maipagpaliban pati ang national elections.

“With the looming certainty of a charter change through a proposed CON-ASS, national elections can also be postponed simply by passing a new transitory provision,” ayon kay Villarin.

Ngayong Linggo ay nakatakdang maghain ang independent minority ng petisyon sa Korte Suprema para kwestyunin ang isang taong martial law extension sa Mindanao. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?