22

Jun 11, 2021 @ 15:47
By

No-el sa 2022 posible kung bagsak COVID response – Pangilinan

Sinabi ni Senador Kiko Pangilinan na habang nagsisimula na ang election season, dapat manatiling pangunahing prayoridad ang pamamahala sa COVID pandemic.

Ayon sa kanya, ang pagkabigo na tugunan nang epektibo ang pandemya ay maaaring humantong sa mababang voter turnout o pagpapaliban sa 2022 elections.

“Sa totoo lang at this point we’re still grappling with COVID. Sa Senate, we’re asking the reconvening of the Committee of the Whole to discuss the vaccine roll out kasi may dagdag na 25 billion worth of bakuna. We’re really more concerned about that, paano matutugunan ang bakuna,” aniya sa panayam sa “The Chiefs” noong June 9.

“Ako you know the elections in 2022, yes we should talk about it, but unless we manage COVID… worst case ‘di lalabas tao, takot, or baka may adventurists na sabihin ‘wag muna mag-eleksyon,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?