17

Sep 26, 2020 @ 0:02
By

No-El sa 2022 binara ni Duterte

Hindi kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsuspende ng eleksyon sa 2022 dahil lang sa COVID-19 pandemic.

Sa nilabas na pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque, sinabi nito na hindi dapat gawing dahilan ang health crisis para mausog ang eleksyon, na magpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang nakaupo kapag nangyari ang ‘no elections’.

“The National Election is still two years away and we still have sufficient time to prepare,” lahad ni Roque.

“We must not use the existing global health crisis as a ground to cancel and reschedule the elections as this would not sit well with the public,” aniya pa.

Ang pahayag ng Malacañang ay kasunod ng mungkahi ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo sa Commission on Election na i-postpone ang eleksyon dahil marami umano ang natatakot bumoto.

“The holding of elections is a public service that the government must ensure to deliver. The idea to postpone the 2022 elections, if and when it happens, presents constitutional challenges,” giit ng Palasyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?