0
views
duterte-37th
By

No-el sa 2019 walang basbas ni Duterte – Roque

Sharing is caring!

Walang basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez na NoEl o no election sa 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na matutuloy ang midterm elections sa susunod na taon alinsunod sa naging pahayag ni Pangulong Duterte

Ang makakahadlang lamang aniya sa pagdaraos ng halalan ay kung mapagtitibay na ang panukalang federal constitution bago ang halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Roque na hanggat umiiral ang 1987 Constitution ay walang dahilan para hindi magdaos ng eleksiyon na nakatakda sa susunod na taon.

“Gaya po ng paulit-ulit na nating sinabi, ang Presidente po ang tagapagpatupad ng Saligang Batas, hangga’t hindi po mababago ang petsa ng halalan na nakasaad sa Saligang Batas, ipatutupad po yan ng Presidente. Matutuloy po ang eleksiyon ng 2019.

Ang only possibility po eh kung mara-ratify ng mas maaga itong proposed new constitution in which case na 1987 Constitution would cease to have legal effect no. Pero habang wala pa pong bagong Saligang Batas sisiguraduhin ng Presidente magkaka-eleksiyon,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na ang Pangulo ay tagapagpatupad ng batas kaya kung ano ang isinasaad ng Saligang Batas ay masusunod gaya ng pagsasagawa ng midterm elections sa 2019.()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?