No-el sa 2019, pang senador lang – Alvarez

Sharing is caring!

Itinutulak ngayon Speaker Bebot Alvarez ang panukalang alisin na ang mga senador sa 2019 mid-term elections kung papaboran ng tao pagpapalit ng gobyerno sa federalismo.

Sabi ni Alvarez kung magkaroon ng unicameral na porma ng pamahalaan, nangangahulugan ito ng paglusaw sa Senado.

“Puwedeng walang election (for senators). Wala kaming problema doon,” sabi ni said Alvarez sa panayam sa radyo.

Umaasa itong magkakasundo ang Kamara at Senado para bumuo ng Constituent Assemby ngayong Enero na babalangkas sa pag-amiyenda ng Konstitutyson bago mag-Mayo ng sa ganoon ay magkaroon ng referendem kasabay ng barangay at Sangguniang Kabataan elections.

“Payag ako na halimbawa, ang walang eleksyon lang yung mga senador tapos kaming congressmen saka mga local officials, puwedeng kami lang yung mag-election kasi every three years naman yung aming termino,” ani Alvarez.

“Sa local government walang problema dahil every three years naman talaga… magkakaproblema pag mage-elect ka tapos mage-end sila so, paano ang gagawin di ba? So, iba na yung form of government, sila pa rin yung nakaupong senador, wala lang opisina,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?