33

By

No-el ni Speaker Alvarez, puwede – Sotto

Sharing is caring!

Posible ang No-El o ‘no election’ scenario ni House Speaker Pantaleon Alvarez kahit hindi pa napapalitan ng federal constitution ang umiiral na 1987 Constitution.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, pwedeng gumawa ang Senado at Kamara ng batas na magpapaliban sa eleksiyon na nakatakda sa Mayo 2019.

Magagamit umano rito ang Article VI, Section 8 ng Konstitusyon nagsasaad na dapat idaos ang eleksyon sa ikalawang Lunes ng Mayo pero may linya na “unless otherwise provided by law” – na nangangahulugan umano na puwede nilang gawin ang batas na magpapakansela o magpapaliban sa eleksyon.

Iba ito sa una niyang sinabi na kailangan munang maamyendahan ang konstitusyon bago mangyari ang no-el.

Idiniin naman ni Sotto na wala silang partikular na plano para ipagpaliban ang eleksyon at sinasabi lang niya ang mga posibleng mangyari kapag nabitin ang pag-amyenda sa Konstitusyon para sa federalism.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?