62

By

No-el ni Speaker Alvarez butata sa Senado – Poe, Escudero

Sharing is caring!

Hindi papayag ang Senado sa No-el o no election scenario ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Senadora Grace Poe, tiyak na magkakaisa silang mga senador sa pagtutol sa kanselasyon ng eleksiyon sa Mayo 2019.

Idiniin na utos ng Konstitusyon ang pagdaraos ng halalan kaya makakansela lamang ito kapag naamiyendahan ang Konstitusyon.

Lalo naman umano silang hindi papayag sa pag-amyenda ng Konstitusyon kung dadaanin ito sa paraan ni Alvarez.

Gusto ni Alvarez na magsanib ang Senado at Kamara bilang Constitutent Assembly na aamyenda sa Konstitusyon.

Sa kaniyang konsepto, “voting jointly” o isasanib ang 24 na senador sa mahigit 200 konggresista kapag magbobotohan para sa pag-amyenda ng Konstitusyon.

“Something as crucial as this, you are voting jointly? I don’t think that’s the intention of the framers (of the Constitution),” ayon kay Poe.

Ayon din kay Senador Chiz Escudero, hindi pwedeng ipakansela ng Konggreso ang eleksyon sa Mayo.

Maliwanag aniya sa Konstitusyon na tatlong taon lang sa pwesto ang mga konggresista at anim na taon ang mga senador.

Nangangahulugan na kailangang magdaos ng eleksyon para masunod ang term of office na utos ng Konstitusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?