Abante-TnT--kiko-pangilinan
By

No-el na isinusulong ng Kamara, garapal – UP prof

Sharing is caring!

Nangibabaw sa pagdinig ng Senado ukol sa panukalang pagbabago sa Konstitusyon ang pagtutol sa gusto ng mga kongresita na no-elections (No-el) scenario o kanselasyon ng eleksyon na nakatakda sa Mayo 2019.

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, vice chairman ng Senate committee on constitutional amendments na nanguna sa pagdinig, lahat ng dumalo sa pagdinig ay kontra sa No-el.

Sinabi ni Professor Gene Lacza Pilapil, ang No-el ay para lang sa mga garapal, sakim sa kapangyarihan, walang kahihiyan at hayok sa kapangyarihan.

Hindi aniya ito dapat payagan dahil isa itong “power grab” at masisira nito ang demokrasya.

Ganito rin ang inihayag ng iba pang dumalo sa pagdinig buhat sa samahan ng mga kabataan at iba’t ibang sektor.

Iginiit ni Pilapil sa mga babalangkas ng bagong konstitusyon na magpasok ng probisyon na magbabawal kay Pangulong Duterte na kumandidato muli sa pagkapangulo sa 2022.

Ito ay para hindi na pag-isipan na para lang sa pagtatagal nito sa Malacañang ang Cha-cha at federalism.

Hindi aniya sapat ang pangako ng pangulo na bababa ito sa 2022 dahil katulad lang ito ng campaign promise na sasakay ito sa jet ski papuntang Spratlys.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?