13

‘No-el’ ikinasa sa Marawi

Sharing is caring!

Hindi magdadaos ng eleksiyon ang Commission on Elections (Comelec) sa Marawi City sa Mayo 14.

Ito umano ay dahil sa rekomendasyon na rin at “military assessment” ng mga awtoridad na nakakaalam sa seguridad ng lungsod.

Ayon sa ulat, hindi rin umano matukoy kung kailan gaganapin ang eleksiyon sa Marawi.

Sa kabila umano ng pagkakalaya na ng Marawi mula sa mga tagasuporta ng Islamic State, hindi inirekomenda ng militar ang pagsasagawa ng eleksiyon sa lahat ng 96 komunidad ng lungsod.

Huling nagkaroon ng village elections sa Marawi ay noon pang Oktubre 2013 na dinaluhan ng nasa 71,000 botante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?