59

Nov 6, 2021 @ 13:10

‘No bakuna, no ayuda’ sa 4Ps hirit ng DILG

Pinag-aaralan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung paanong maipapatupad ang “no vaccine, no subsidy” policy sa mga hindi pa bakunadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya, maraming mga benepisyaryo ng 4Ps ang ayaw pabakuna laban sa COVID-19.

“Ang 4Ps naman, kaya nga ‘yan tinatawag na conditional cash transfer kasi para makuha mo ang regular mong subsidiya sa pamahalaan ng may mga kondisyon ‘di ba.

“Pumupunta ka sa health center, nagpapa-deworm ka, ‘yung mga anak mo pinapasok mo sa eskuwelahan, naka-enroll. So dadagdagan pa natin ng isa pang kondisyon which is pagbabakuna,” paliwanag ni Malaya.

Sa ngayon aniya ay tinitingnan nila ang mga legal na isyu na makakaapekto sa kanilang mungkahi dahil institusyonal na ang 4Ps.

“‘Yan ang pinag-aaralan natin because we are in a public health emergency. Sabi ng mga taga-DWSD, health component [of 4Ps] is flexible… Pinag-aaralan na po ito ng mga abogado,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?