40

Nov 6, 2017 @ 10:47

No. 3 ikinahon ng Falcons

Sinementuhan ng Adamson ang No. 3 spot matapos ilipad ang 86-70 panalo kontra UP kagabi sa 80th UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Inilista ng Soaring Falcons ang 9-4 karta, nilampasan ang 8-6 performance noong nakaraang taon.

“I guess we already exceeded last year’s performance. We’re ahead by one game going to the last game of eliminations,” ani Adamson coach Franz Pumaren. “That’s an improvement already,”

Lumamang ng 21 puntos ang Falcons sa third, pero nag-init si Paul Desiderio sa kaagahan ng fourth para ilapit ang Fighting Maroons 74-66.

Hinigpitan ng Falcons ang depensa para ipreserba ang panalo.

Nasa fifth ang Fighting Maroons (5-7), may tsansa pa sa No. 4 na kasalukuyang inuupuan ng FEU (6-6).

Namuno sa Adamson si Papi Sarr na may 25 points at 17 rebounds, kumana si Jerie Pingoy ng 15 markers, eight assists at six steals.

Tumikada si Desiderio ng 20 points, nag-ambag ng 15 si Jun Manzo. (Elech Dawal)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?