135

Jan 27, 2020 @ 19:00
By

No. 24 ni Kobe Bryant ireretiro ng Mavericks

Hindi na ipapagamit ang jersey number 24 sa NBA team na Dallas Mavericks bilang pagkilala kay basketball superstar Kobe Bryant.

Nitong Linggo (Los Angeles/USA time), pumanaw si Bryant sa isang helicopter crash kasama ang anak nitong si Gianna.

Ayon kay Dallas Mavericks owner Mark Cuban, nagdesisyon ang organization na huwag nang ipagamit pa ang numero 24 na dating jersey number ni Kobe.

“Kobe’s legacy transcends basketball, and our organization has decided that the number 24 will never again be worn by a Dallas Maverick,” ayon sa ulat ni Marc J. Spears, senior NBA writer ng ESPN, mula kay Cuban.

Sa social media, inalala rin ni Mavericks superstars Luka Doncic at Kristaps Porzingis ang kadakilaan ni Kobe sa larangan ng basketball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?