112

Jun 19, 2021 @ 11:44
By

No. 2 most wanted ng Davao del Sur natunton sa Tarlac

Nadakip ang Top 2 Most Wanted Person ng Davao del Sur sa Brgy. San Nicolas, Tarlac City nitong Sabado, June 19.

Ayon sa inisyal na ulat, bandang alas-10 ng umaga nahuli ang suspek sa murder na si Rodel Umalay Gipolan, 41-anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San Nicolas, Tarlac City.

Nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng PSOTG-PIU, CIDG PFU 3 Tarlac, PCP 10 Tarlac CPS at Sulup MPS Davao del Sur bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Magnolia Velez Cayetano, presiding judge ng Branch 2 Digos City.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto kay Gipolan, na nasa kustodiya na ng CIDG PFU Tarlac.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?