56

By

‘No. 1 most wanted’ ng Taguig, nalambat

Sharing is caring!

Hindi na nakapalag ang itinuturing na Number 1 most wanted person sa Taguig City nang matunton ng mga pulis ang kanyang safehouse sa Barangay Hagonoy, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Southern Police District director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., alas-4:45 ng hapon ng Lunes nang maaresto ng mga tauhan ng District Intelligence Unit si Laxer Osmena, 26.

Isinilbi kay Osmena ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paz Cortes, ng Taguig RTC Branch 271 dahil sa kasong homicide at isa pang warrant of arrest mula naman kay Judge Mariam Bein, ng Taguig RTC Branch 153 dahil naman sa kasong attempted murder.

Bukod pa sa dalawang kaso, may kinahaharap din si Osmena na kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comelec gun ban. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?