62

No. 1 overall pick, nasungkit ng Suns

Sharing is caring!

Ang Phoenix Suns ang nagwagi sa ginanap na 2018 NBA draft lottery nitong Martes (Miyerkoles sa Pinas).

Nahablot ng Suns ang No. 1 overall pick matapos magtala ng maalat na 21-61 record nitong season.

Sinundan sila ng Sacramento Kings at ikatlo ang Atlanta Hawks.

May pag-asang makabingwit ng bigating player ang Phoenix sa gaganaping NBA draft sa Hunyo 21 sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Kabilang sa hilera ng mga de-kalibreng players na mapagpipilian sina Deandre Ayton, Luka Doncic at Trae Young.

Sa mga ito, si big man Ayton ang paboritong No.1 pick.

Naglaro ito sa Wildcats at nag-a-average ng 20.1 points at 11.6 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?