72

By

No. 1 most wanted na ex-cop, nakorner sa QC

Sharing is caring!

Nadakma ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang dating pulis na most wanted sa kasong robbery at number 1 na drug personality sa La Loma, Quezon City, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang suspek na si PO3 Alfredo Mabutol Jr., 43, nakatira sa Brgy. Salvacion, La Loma, Quezon City, ay No. 1 na most wanted person sa district level at No. 1 drug personality sa La Loma Police Station 1.

Aniya, si Mabutol ay lider ng illegal drug group na nag-o-operate sa area ng La Loma Police at responsable sa pagpapakalat ng shabu sa Calavite St., Brgy. Salvacion at Tagaytay St., Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Naispatan ang dating pulis dakong alas-7:50 ng umaga sa harap ng tahanan nito sa No. 41 Calavite St., Brgy. Salvacion, La Loma ng mga tauhan ng District Special Operations Unit.

Inaresto si Mabutol sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas nina Judge Severino De Castro at Judge Aurora Hernandez Calledo ng Quezon City RTC dahil sa kasong robbery at droga.

Nakakuha rin ang pulisya ng bench warrants of arrest laban kay Mabutol mula kay Judge Petronilo Sulla Jr., ng Pasay City RTC Branch 110 dahil sa hindi nito pagsipot sa mga kasong droga na kanyang hinahawakan noong siya ay pulis pa kaya napapawalang-sala ang mga akusado.

Base sa rekord, napasok si Mabutol sa police service noong Oktubre 1999 at ang huling assignment niya ay sa NCRPO Regional Holding and Accounting Unit.

Na-dismiss siya sa pagiging pulis noong Hulyo 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?