32

May 31, 2020 @ 18:59
By

NLEX tagtag sa unang araw ng Metro GCQ

200,000 na motorista ang inaasahang dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX) sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at ilan pang kalapit na rehiyon.

Ayon kay NLEX traffic operations manager Robin Ignacio sa dzBB, tapos na ang kanilang pagsasaayos sa bawat toll plaza, disinfection sa mga toll booth, gayundin ang iba pang pasilidad sa NLEX sa muling pagbubukas ng karamihan ng industriya sa bansa.

Maglalagay umano ng mga portable collection booth sa NLEX, ngunit tatanggalin ang mga umiikot na teller para maiwasan ang contact sa mga motorista.

Samantala, sinabi ng pamunuan ng NLEX na magkakaroon pa rin ng mga checkpoint ang pulisya sa bawat entry point.

Bukod pa dito, mananatili pa rin ang libreng toll fee para sa mga medical frontliner tulad ng mga doktor at nurse sa NLEX.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?