72

Dec 19, 2017 @ 16:22
By

NLEX, ibibiyahe na ni rookie Ravena

Laro sa Disyembre 20

(San Juan Arena)

4:15 — KIA vs NLEX

7:00 — Magnolia Hotshots vs Alaska

Magkakaalaman na kung tama ba ang naging desisyon ng KIA Picanto na ipamigay nila ang number one overall pick dapat nila na si Christian Standhardinger na napunta sa San Miguel Beer bagama’t hindi pa makakapaglaro dahil may tinatapos pang kontrata sa Hong Kong.

Gusto ng KIA coaching staff na puro beterano ang kanilang mga manlalaro tulad nina Ronald Tubid, Dylan Ababou, Mark Yee, at iba pa.

Habang ang NLEX Road Warriors ay hindi na makapaghintay na pawalan sa hard court si Kiefer Ravena na number two overall pick.

“NLEX is excited to start the new season,” saad ni NLEX coach Yeng Guiao bago ang laban bukas ng hapon.

Sinisigurado ni Guiao na magiging competitive sila ngayong taon.

“We feel we have a competitive team this year. But we are wary of Kia because they have something to prove in view of their draft decisions. It’s always dangerous playing against a team with something to prove.

“They also had strong performances in the off-season. But we are ready as we can be for our game tomorrow.”

Si Ravena ay maganda ang ipinakitang paglalaro para sa ating bansa, pero mailalaro rin kaya niya ito sa hard court?

Nandiyan din ang mga beterano ng NLEX para gumabay sa kanilang koponan tulad nila Asi Taulava, Larry Fonacier, JR Quinahan, Alex Mallari, Cyrus Baguio at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?