40

May 12, 2018 @ 10:40

NLEX hinablot ang unang panalo vs Phoenix sa OT

Bumalikat ng 37 points ang import ng NLEX na si Arnett Moultrie para ibigay sa koponan ang una nitong panalo sa pagkalos sa Phoenix sa overtime, 120-115, kagabi (Mayo 11) sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Nakapagpundar ang Road Warriors ng abante na 19 points pero naaksaya at kinailangan pa nilang tapusin ang Phoenix sa overtime sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Dumagit din ng 17 rebounds at 8 assists si Moultrie para sa NLEX, na nakakuha rin ng unang panalo matapos sumemplang ng tatlong beses.

Lumobo sa 51-32 ang lamang ng NLEX sa first half pero nahabol ito ng Phoenix at naitabla pa sa huling 41.3 segundo, 102-all.

Naimintis ni Moultrie ang pinale niyang tira kaya napuwersa ang overtime.

Dahil sa pagkatalo, naging 2-2 ang record ng Fuel Masters habang 1-3 ang Road Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?