45

Nov 15, 2021 @ 16:45
By

NLEX, Blackwater nagpalitan player

Ipinamigay ng NLEX Road Warriors ang dalawa nilang manlalaro para makuha ang serbisyo ni Marion Magat mula sa Blackwater Bossing.

Kapalit naman ni Magat ay makukuha ng Blackwater sina Mike Ayonayon at Will McAloney.

Nag-average si Magat ng 5.5 points, 4.8 rebounds at 1.0 blocks kada laro sa 2021 Philippine Cup, kung saan nagtapos sa 0-11 ang Blackwater.

Samantala, sina McAloney at Ayonayon ay parehong nabangko sa nakaraang kumperensya.

Inaasahan namang magdadagdag ng presensya sa ilalim si Magat para sa NLEX. Naglaro na rin siya para rito noong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?