100

Jun 6, 2019 @ 16:55
By

Niyurakan daw ang DepEd: Guro posibleng kasuhan sa FB post tungkol sa faculty room

Maaaring makasuhan ang isang public school teacher dahil sa pagpo-post nito sa social media hinggil sa ginawang opisina ng mga guro ang isang banyo sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa ABS-CBN report, sinabi ng principal ng Bacoor National High School na si Anita Rom, na tinitingnan nila ang paghahain ng administrative at cyberlibel cases laban kay Maricel Herrera dahil sa pagsira sa imahe ng eskuwelahan at sa Department of Education (DepEd).

Nauna nang idinepensa ni Education Secretary Leonor Briones na ang mga guro ang siyang pumili sa banyo na gawing faculty room at hindi ito ipinilit.

“Ang choice ng teachers, kasi nangangailangan, malaki ang enrollment, na-delayed ang budget natin, na-delayed ang paggawa ng school buildings. They had their choice they could hold their office in the laboratory rooms but of course it is more dramatic, it is more touching if you hold it in toilets,” saad ni Briones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?