21

Feb 28, 2020 @ 19:01
By

Nissan nakiisa sa pagtulong ng Red Cross

Tatlong bagong pick-up trucks na nagkakahalaga ng P4-milyon ang binahagi ng Nissan Philippines para sa bawat aksiyon ng Philippine Red Cross (PRC).

Layon na mas mapaigting ang paghahatid-tulong ng PRC, nagbigay ang Nissan ng tatlong Navara pick-up trucks Biyernes ng umaga at naganap ang turn-over sa PRC Tower na nasa Edsa, Mandaluyong City.

Pinangunahan ni PRC Chairman Richard Gordon ang pagtanggap sa tatlong Navara pick-up truck mula kay Atsushi Najima, presidente ng Nissan Philippines. Magagamit umano ito ng PRC sa paghahatid ng mga tulong tuwing may sakuna o sa pagbibigay-serbisyo nito sa mga komunidad, gaya ng blood donation at first aid.

Ayon kay Gordon, malapit man o malayo, basta may nangangailangan, ginagawan ng PRC ng paraan upang mabigyan sila ng ayuda.

Dagdag pa ni Gordon na ipapamahagi sa ibang mga chapter ng Red Cross ang pick-up trucks dahil nakikita niyang sumasakay ang mga volunteer sa lumang sasakyan at maging siya umano ay nakasakay sa lumang sasakyan para lang makapaghatid ng tulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?